Aug
walang kwentang urge
METAMORPHOSIS - n, pl -phoses 1: a change of physical form, structure, or substance esp. by supernatural means; also: a striking alteration (as in appearance or character) 2: a fundamental change in form and often habits of an animal accompanying the transformation of a larva into an adult.
Meron akong ise-share sa inyo, pero promise niyo muna na satin-satin lang to ha. Peksman?!
Kasi ganito yun… kahapon habang giniginaw, inaantok at nabobore ako habang gumagawa ng walang kakwenta-kwentang paperworks biglang, walang ano-ano’y gusto ko maging si…
JENNIFER LOPEZ
Oo, si J. Lo, yung babaeng malaki ang pwet pero walang boobies. Yung sumalo sa ex-hubby ni Dayanara Torres.
Para akong timang, in the middle of office hours gusto kong i-perform ang Let’s Get Loud wearing a sequined haltered gown sa harap ng ka-officemates ko at boss kong mahilig sa porn. Buti na lang at parang may ililibing ang music sa office nung mga oras na iyon kundi diko napigilan ang sarili ko.
Epekto kaya to ng: ginaw? antok? o boredom?
note: hindi na ako nag-abalang maglagay ng picture ni J. Lo dito, tama ng nilagay ko ang sarili ko sa kahihiyan.




09Aug
Nag eenjoy ka lang. Pinaka nakakatawang part ng post na ito ay yung:
note: hindi na ako nag-abalang maglagay ng picture ni J. Lo dito, tama ng nilagay ko ang sarili ko sa kahihiyan.
Parang isang malaking crime admission ah.
Keep writing!
[Reply]
09Aug
Actually, na-imagine kitang tumingin sa malayo at punong-puno ng confidence nung sinabi mong gusto mo maging si
JENNIFER LOPEZ
[Reply]
09Aug
youtube video pleaseeee…
bwahah’ napadaan lang galing sa kulto ni ms. maru’
nice blog binibini..
[Reply]
09Aug
hmmm… mukhang magkakasundo kami ng boss mo. ^_^
[Reply]
09Aug
astig hahahaha!!!
ang lupet mo talaga ateng iba ka…hahaha:)
sa gitna pala ng karambolan sa office ay may isang mag-ttransform na bigla hahaha…pwede pwede hehehhe
[Reply]
09Aug
o.m.g. you’re amazing!
[Reply]
09Aug
oo nga request naman jan ng isang youtube oh… di pa huli ang lahat… pwede mo po ipakitang gilas dito ang maging J LO kahit one time lang…
“i’ll be right here waiting….” hehehe joke lang po…. kapag binabasa ko tong blogs mo nahihinto ang pagsesenti-sentihan ko… haha!! salamat..
[Reply]
09Aug
Mare, kaya mo yan, suportahan taka, hahaha!
[Reply]
09Aug
bakit naman… kung may karapatan naman magpakitang gilas diba? lolz nakakatawa mga banat mo po e… hehehe
[Reply]
09Aug
“Epekto kaya to ng: ginaw? antok? o boredom?” - palagay ko epekto yan ng either kakapanood ng youtube or MTV sa tv hehehe. minsan masarap nga ang mag-isip ng ganyan kahit sa ilusyon lang. ang problema nga lang baka akala mo iniisip mo lang pero ginagawa mo na pala, magigising ka na lang sa palakpakan ng mga opismeyts mo hehehe… wag kang mag-aalala sa pelikula lang nangyayari yun…
banat lang ng banat jojie i find your blog refreshing…
[Reply]