10
Sep

beauty is just a skin dip

Linggo kahapon, araw ng beauty rest. Aktwali hindi ko na kailangan yun, I have a very refreshing beauty that would last for the next 50years. Charing lang yun! Ang totoo kailangang-kailangan ko ng pahinga, masyado akong stressed lately sa kung anik-anik na pangyayari’t drama sa aking not-so colorful life. Kaya naman sinamantala ko kahapon at sobra akong nagbabad sa boob tube.

Enjoy na enjoy naman ako, sa totoo lang madalang na’ko manood ng TV, tuwing Monday na lang kasi adik ako sa Grey’s Anatomy. At paminsan-minsan sumisilip-silip sa news, nagpapanggap na super interesado ako sa current events at wag mapaghalatang updated pa’ko sa kung anong porn site ang pinagkakaabalahan ng boss ko kesa sa nagyayari sa Pilipinas.

e-aji

Lubha naman akong naaliw sa mga palabas kahapon, para akong taong kahapon lang nadiskubreng may TV. Naaliw ako sa mga bagong commercials. Habang tumatagal papraning na nga papraning ang mga pinoy.

Ang pinaka-naloka ako, sa commercial ng E-aji, yung chichiryang may kasama ng dip. Naghanap ako ng video, wala pa, so itotodo ko na muna ang pagkukwento. Pag-ere ng commercial ang unang akala ko tungkol siya sa beauty product na pang teenager. May highschool girlaloo kasi na panay ang pa-cute sa isang highschool boylett, naiinis [diko alam kung naiinis ba yun o najejebs lang, pwera sa lungkot factor kuno sa mukha niya] si girlaloo at hindi pa siya dinidiskartehan ni boylett, so ayun drama-dramahan mode si girlaloo, sabay pasok ng amiga niyang highschool girlaloo din na parang hindi gumagalaw ang buhok sa pagkakaayos. To the rescue ang drama sa lungkot-lungkutan niyang amiga, achuchuchu achuchuchu… Sabay tanong:

“Alam mo ba ang sekreto ko?”

Sa eksenang ito ang akala ko may ilalabas na pampaganda, pampaputi, sanitary napkin, face powder, deodorant at kung anik-anik na kakikayan. Naloka ako ng biglang ilabas ni giralaloong-parang-hindi-gumagalaw-ang-buhok-sa-pagkakaayos ang… E-AJI! Teka… teka.. Anong konek?! Ito ba ay may gayuma na pwedeng ipakain sa kinakarir na boylett??

Nagkagustuhan si girlaloo at si boylett sa banding huli ng commercial na tralala pa din ako sa kung anong koneksiyones ng hayuf na chichirya sa namuong pag-iibigan ni boylett at girlaloo, hanggang sa i-reveal ang tagline na lalo kong ikinaloka.

“REMEMBER, BEAUTY IS JUST A SKIN DIP.”

Waaaahhhhh! Sabihin niyo nga kung ako ang slow o sadyang nashunga ang San Miguel at pinatulan ang concept na yun?

This is why I sooo.. love pinoy commercials, kaya akong patumblingin ng tatlong 360 degrees.

Tags:

SOME KINDA-MEDYO KAPAREHONG POSTS-SLASH-ENTRIES

Add to Technorati Favorites

Magsubscribe na ever via email!

Delivered by FeedBurner
Ang mag-subscribe may mababait at super cute. Echos!

7 Responses to “beauty is just a skin dip”

  1. burskyNo Gravatar
    10Sep

    eh yung biolink VCO shampoo nakita mo na? :D naghihintay pa ako ng vid nun sa youtube eh. :D


    talak ni jojie:

    huy alam mo may kaukha dito yung mama dun sa VCO shampoo commercial. wahahahaha! si mang jojo!

    [Reply]

  2. chuvanessNo Gravatar
    10Sep

    hi jojieeeeeeeeetaaaah!

    di ko pa napanood kaya i can’t comment..hahahah…pero muka ngang panget yun concept…yun mga commercials ng bayntel dati, i love it! korek, ang byooti mo is very refreshing. mwaaaaaah!


    talak ni jojie:

    chuvaneskaaaa!!!! LOLs! dapat ma-catch mo ito, hindi yung puro paghahanap ng kamukha ko ang kinakarir mo. ;)

    [Reply]

  3. menggayNo Gravatar
    10Sep

    daHil sa entry mo ateng nag kainteres tuloy akong manuod at tumutok sa commercial mamaya pag uwi ko hahhaa!!!!

    naloka ako don sa tag line na yon!! “REMEMBER, BEAUTY IS JUST A SKIN DIP”

    hahaha!!!!! pwede… hahhaha!!!!

    manunuod ako mamaya!!


    talak ni jojie:

    puro kasi yung tatlong lalaking nakabrip na tumalon sa batis ang inaabangan mo e! wahahahaha!

    [Reply]

  4. paoNo Gravatar
    10Sep

    naloka din ako sa commercial na yan. paminsan minsan lang ako manuod ng TV, natiyempuhan ko pa. magandang motto yan.


    talak ni jojie:

    naman! ;) dalawin kita sa bahay mo ha… papasukin moko. ;)

    [Reply]

  5. Ms. RedNo Gravatar
    10Sep

    winner nga yung sa BIOLINK! pati tatay ko tuwang tuwa don.
    Yon ang magandang endorser ng mga beauty products, may result!
    Sino kaya mag rekwes sa akin para mag endorse ng beauty product? (asa pa)


    talak ni jojie:

    ay mare madami no.. antay ka lang… huwag ka maiinip ha.. LOLs!

    [Reply]

  6. brathNo Gravatar
    10Sep

    sister baka naman nakakaganda ng skin yung chichirya na yun kaya ganun yung tagline nila., garbe talaga mga commercials ngayon no? hehehe

    xiao!


    talak ni jojie:

    ewan ko ba dun.. nakakaloka talaga.. :D

    [Reply]

  7. err… innocent me sa mga commercials. pero what do they mean by “dip”? ^^


    talak ni jojie:

    dip=sinasawsaw. ewan ko ba dun maipasok lang yung ‘dip’ kahit pilit.

    [Reply]

Leave a Reply

Copyright @ Spontaneity
Powered by WordPress | Floral Day theme designed by SimplyWP