noong ako’y nagpa-burjer
Posted on October 14th, 2008
Dahil sa post ni Pareng Vhonne na ito naalala ko tuloy noong panahong naging burjer attendant ako. Burjer attendant yung tagatinda ng burjer sa 24hour burjer outlet. Oo, naging ganun ako noong araw sa isa na ngayong sikat ng 24hour burjer outlet na hindi ko na sasabihing sa Minute Burger dahil wala namang bayad ang pa-advertise nila sa akin.
Natutunan ko ang art ng multi-tasking sa pagtatrabaho sa isang burjer outlet. As in multi-tasking galore. As in. Isa pa, as in. Hindi pa kasi uso ang buy one take one achuchuchu na gimik ngayon ng mga burjeran, madami pang variety ng burjers ang kailangan mong imemorize at orasyunan bago ihain sa customer. Hindi pa mahal ang gasolina kaya di pa nagko-cost cutting ang mga burjer outlets para gawing sobrang simpleng burjer na lang ang tinda kagaya ngayon.
Hindi madali ang trabaho ng burjer attendants. Kailangan pang iinventory ultimong stick na ipinapanghalo sa kape, kulang na lang pati alikabok ipa-imbentaryo ng mga hinayupak. Lahat kailangan itara, at ini-expect nilang perpekto ka at maililista mo ang lahat. Pag nagsabay-saby pa ang customer parang gusto mo ng panawan ng ulirat sa pagkalito. Ang oras mo ng pahinga ay ang oras mo para humawak ng map. Kaya huwag na kayong magugulat kung nanggigitata talaga ang mga tindera ng burjer. Hindi yun parte ng qualification para matanggap, talaga lang nakakalosyang ang trabaho dahil kadalasan naman mag-isa ka lang sa isang outlet.
Filed under: tarbahu | 20 Comments »
ay lab et!
Posted on October 12th, 2008
Eto kahit sobrang kahiya-hiya e aaminin ko na. Kahit mawalan na kayo ng respeto sa’kin at bumaba ng isang baitang ang pagtingin niyo sa kagandahan ko. Kahit na paulanan niyo ako ng mga nakakalokong tingin. Kahit atakihin kayo sa puso sa gulat sa katotohanang isisiwalat ko ngayon. Wa na ako care. Sabi nga ng isang bakla sa isang gay pajent “ang nagsasama ng tapat, wala ng tawad” kaya kakarerin ko na ang honesty.
Handa ka na ba?
Talaga?
Now na?
Sa buong buhay ko ngayon lang ako nagkaroon ng…
Filed under: blog layp, curler turner, haffyness, kontes | 25 Comments »
mike tess
Posted on October 10th, 2008
Hindi ko alam kung anong ispiritu ang sumanib dito sa blog ko. Bihisan at hubaran nagloloka-lokahan. O sadyang mabait sa akin si Bosing above para hindi ipakita yung previous entry ko. Nagset to private ng kusa. lols!
Hello Mike at Tess. Hello Mike at Tess.
Aha! Ayaw nung huling post ko lumabas. Ok fine. Huwag pilitin ang ayaw.
Eto talaga ang latest post ko –> CLASSIFIED ADS?
If there’s a wheel there’s a jeep!
Filed under: curler turner | 1 Comment »
classified ads?
Posted on October 10th, 2008
Matagal-tagal na din pala akong nagtatrabaho bilang opis gel dito sa side side ng South Luzon. Ambilis talaga ng panahon. Parang kailan lang mega praktis ako ng aking deteriorating inglet dahil sa tawag ng call center chovarloo. Pero hindi siguro ako para sa call center world dahil bago ko pa man mabigyan ko ng kahihiyan ang boom na boom call center chuwariwap e na-hire na akong opis nuisance sa pinagtatrabahuhan ng aking sisterette. Ang galing talaga ni Bosing above, alam niya na maraming nangangailangan ng trabaho kaya hindi niya ako pinagbigyan maging call center gel.
Narealize ko na lahat na ata ng katangian bilang isang mowdel employee ay nasa akin na - maganda, maganda, maganda, maganda at maganda. San ka pa? Kaya pakiramdam ko tubong lugaw ang kumpanyang pinag-papaalipinan pinagtatrabahuhan ko sa akin. Ako din yung tipong hindi mareklamo pagdating sa trabaho para sa akin kasi ang trabaho ay biyaya, kahit pa nga kadalasan pakiramdam ko nag-chacharity work na ako. Ok lang, sabi ng chicher ko nung grade five give to charities.
Filed under: jojitahness, tarbahu | 10 Comments »
pabili ng angas
Posted on October 6th, 2008
May mga taong pinanganak talaga na may kambal angas. Yung tipong uha pa lang may angas na. Kewl. Sa totoo lang gusto ko magkaroon ng oozing angas sa katawan. Kailangan ko yun, pakiramdam ko yun ang kukumpleto sa pagkatao ko. Ching!
Pero seryusli, kailangan talaga ng isang tao ng kaunting angas. Parang paglaklak din ng alak basta in moderation lang. Yun yata ang kulang sa akin para maging isang ganap na diva. Yung parang kakaldagan kita sa dibdib bawat bitaw ng salita ko. Nyeh! Parang tunog preso. Lols! O kaya naman yung tipong luluhod ang mga tao sa’kin sa takot sa isang kumpas lang ng kamay kong kalyuhin. OA na yata yun, pero parang ang kewl kung ako yun no? Imaginin mo habang nagsasabi ako ng “Anong ginagawa mo sa balaytsina ko ever?! Chochovarloo ka lang no?! Cheines ka! Hala chumiwariwap ka sa harapan ko. Now na!” at nanginginig kung sino man ang sinasabihan ko niyan sa takot. Kewl. Kewl talaga. Read the rest of this entry »
Filed under: jojitahness, pagnilay-nilayan | 15 Comments »
pacify your man
Posted on October 6th, 2008
It is very important that a woman knows how to pacify their man, with their raging testosterone and gigantic egos any woman would go nuts if they don’t know how to handle their man. Who wouldn’t want a very peaceful relationship in the first place? The question is HOW. Errr… I don’t know either. Lol! But base on my own experience and observations there are a hundred and one ways and I am only giving you four! Lols. Read the rest of this entry »
Filed under: atik, anda, anju! | 1 Comment »
year 2: level up!
Posted on October 4th, 2008
Anniversary month nitong dot com ko. Yiheee! Para sa akin dapat talaga sine-celebrate ang mga anniversary chuva chuva na yan. Para ding sa magjowawa, importanteng alalahanin ang panahong ikinadena ninyo ang mgasarili niyo sa isa’t-isa. Parang ganun din sa pagba-blog, ikinadena mo din naman ang iyong self pag nagbablog ka dahil ang blogging hindi lang yan basta blogging. Karir ito na bonggang bongga. Ang magsabing “ay naku blogging lang yan” sasabunutan ko lahat ng hairs niya sa katawan. Naniniwala kasi akong sa pagba-blog mo masasalamin ang karakter ng isang tao. No matter how much they pretend to be want they want to be. Matatalino ang mga readers, malalaman at malalaman nila kung ikaw ay tunay na ginto o gold plated lang.
Iniisip ko kung paano ko gagawing special na parang special siopao ang anniversary nitong dot com ko. Siyempre dapat bihisan, narealize ko na tama na ang pagpapaka-samart-ass at tigilan ko na ang nakakalerky na mga themes. Langya! Hindi lang kaya matris ko ang dinudugo sa mga codestsina galore na yan. Pero magandang learning experience, minsan man lang sa buhay ko nagpeeling webdesigner chuwariwap ako. Maikwento ko man lang sa mga apo ko na minsan ang lola nila ay kinarir ang magazine theme. Echos!
Filed under: blog layp, sanblogospheran | 24 Comments »
10
Posted on September 30th, 2008
From now on… 10 is my peborit number! Cute naman diba? Parang yung sipon ng klasmeyt ko nung elementary. Lols! At bakit naman hindi no. 10 will be the number of the decade, century and millennium sabi sa hula. Number 10 ang aahon sa kahirapan ng Pilipinas. Number 10 ang consistent na number na lalabas sa lotto. Number 10 ang magiging pinaka-sowsi na number sa buong kalawakan. At higit sa lahat dahil…
Number 10 aketch sa Project Lafftrip Laffapalooza 2008
Wooothoooot!!!!!
I am officially one of The Philippine’s Next Top Model Top Ten Humor Bloggers. Syet! Ansarap itype, parang pwede na ako hindi kumain ng almusal, tanghalian at hapunan sa sobrang nakakatuwang-nakakabusog na pakiramdam. I am so HAFFY. Spell it with me. C’mon! H-A-F-F-Y. Oh yeah Oh yeah.
Congratulations sa aming lahat na nanalo. Kewlness!
Filed under: curler turner | 20 Comments »




