Sep
kung pwede lang i-ulam ang SPAM
Inis ako sa SPAM. Hindi yung luncheon meat na imported ha, peborit ko yun. Alam ko alam ninyo kung ano ang tinutukoy ko, at kung naaliw kayo sa Spam e ang weird niyo ha. O sige para sa hindi pa masyadong pamilyar, punta kayo dito.
Kabadtrip-badtrip naman talaga diba? Buti na lang Akismet Spam ready na dito sa wordpress, ilalagay mo na lang siya sa sidebar mo. Hindi ko nga alam kung saan nagsisipaggaling ang mga Spam na ito, as of this moment na ginagawa ko itong post na ito ay eto na ang Spam comments na na-blocked ng Akismet dito sa balay ko:

Everyday minimum na ata ang madagdagan yan ng lima. Nakakaloka. At mas nakakaloka pag tinitingnan ko kung ano-ano ang nilalaman ng Spam chovarloo na ito.
Ang emails ko nilulusob din ng mga Spam na ito, kung hindi nga lang ako masipag magbura ng magbura baka nanganak pa sila ng nanganak.
Tubuan sana ng kulugo sa kuwan ang mga nag-Spam Spam baby na ito. Hmpt!
Tags: SPAM




27Sep
akismet works for me. o kaya maglagay ka ng captcha. pwede kayang i-request yon sa wordpress.com owners? hmm.
[Reply]
27Sep
askimet?
[Reply]
27Sep
aynaku… ako rin dati pagkarami-raming spam na yan! lichugas talaga oo! buti na lang may askismet.. laking tulong talaga! hehehe!
kamusta ka naman?! aymissshuuu sister! saka ko na lang sagutan yung tag mo sa akin ha! ingatz ka lagi and God bless!
[Reply]
27Sep
Oi ikaw ha! Miss din kaya kita!
xxx pics
porn vids
amateur
penis enlarger
hahahaha!
[Reply]
27Sep
Check your spams.. Parang may iniwan ako doon.. hahaha!
[Reply]
27Sep
Napabasa tuloy ako ng origin ng Spam sa wikipedia.
[Reply]
27Sep
napansin mo yung spam mo all about sex, hehehe. iba na ang diva
[Reply]
27Sep
oo nga kainis.. everyday ang bura ko ng lintech na spam na yan, mas marami pa spam kesa email ng besfren ko ngayon hahaha
[Reply]
27Sep
welcome to the club!
Gumamit ka ng Akismet… kasama sa wordpress yan..
[Reply]